Reading Time: 1 minute
Ariana Grande
Ariana Grande/ IG post

Ibibigay bilang donasyon ni Ariana Grande ang kita ng kaniyang sold-out concert sa Atlanta sa isang non-profit organization.

Aabot sa mahigit $300,000 ang kabuuang kita sa concert ng singer at ito ay ibibigay sa Planned Parenthood, isang organization sa Georgia na tumulong sa health care.

Naipasa kasi sa Georgia ang abortion law kaya nais ng singer na tulungan ang mga magulang na huwag ng ipaabort ang kanilang mga anak.

Umaasa naman ang singer na sumunod din ang ibang mga singer na magbigay ng donasyon gaya ng kaniyang ginawa.