-- Advertisements --

Tumaas ang kita ng mga bangko sa bansa sa loob ng siyam na buwan ng taong 2025.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong 3.6 percent ang pagtaaso katumbas ng P300.42 bilyon kumpara noong nakaraang taon na mayroong P290-B.

Mayroong pagtaas ang net income ng mga universal at commercial banks mula 4.2 percent o katumbas ng P283.16 bilyon mula Enero hanggan Setyembre kumpara noong P271.73-B.

Nagpapatuloy din ang pagtaas ng assets ng mga bangko na may pagtaas ng 7.6 percent o katumbas ng P28.76 trillion kumpara sa P26.73-trillion sa parehas na buwan noong nakaraang taon.