-- Advertisements --

Hinalal ngayon si senador Pia Cayetano bilang bagong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, kapalit ng mga naunang namuno sa komite na sina dating Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Panfilo Lacson.

Hindi pa natatapos ni Lacson ang imbestigasyon ng komite hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects nang mangyari ang pagbabago sa liderato ng panel.

Samantala, muling itinalaga si Sen. Imee Marcos bilang chairperson ng Committee on Foreign Relations, na dati ay pinamumunuan ni Sen. Erwin Tulfo.

Mananatili naman si Sen. Camille Villar bilang chair ng Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, at siya rin ang mamumuno sa Committee on Government Corporations and Public Enterprises.

Muling pinangungunahan din ni Sen. Robin Padilla ang Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Ang mga pagbabago sa liderato ng mga komite ay bahagi ng muling pag-aayos ng pamunuan sa Senado, na inaasahang makakaapekto sa direksyon ng ilang mahahalagang imbestigasyon at legislative agenda ng Mataas na Kapulungan.