Nasa plano pa rin ni Kira Balinger na ituloy ang pangarap nito na maging beauty queen.

Ayon sa 20-year-old model turned actress, posibleng tatlong taon pa bago mawala ang nararamdamang pressure kung saan pag-iisipan pa nito kung ano ang magiging sentro ng kanyang advocacy.

“I think that’s when I feel I would be ready to join. Siyempre nakaka-pressure din ang mag-beauty pageant. It’s a big platform where makikita lahat ng advocacies mo, how can you can help and everything. So I really need to prepare for that type of responsibility,” saad nito sa isang panayam.

Sa ngayon aniya ay tutok muna siya sa pag-arte sa harap ng camera lalo’t bata pa naman siya at marami pang dapat matutunan kung tatawid na sa mundo ng beauty pageant.

Si Kira ay pitong taon tumira sa United Kingdom kung saan naroon ang kanyang ama na isang British national, bago lumipat dito sa Pilipinas.

Ka-love team nito ang teen son ni Mark Anthony Fernandez na si Grae.