-- Advertisements --

Inirekomenda ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera na gamitin ang nakolektang ilang bilang piso na spectrum user fees (SUFs) para pondohan ang mga infrastructure projects na magpapabilis sa nternet speed at connectivity sa Pilipinas.

“Napakalaking pera na kung ito ay gagamitin para mapabilis ang internet sa bansa para hindi sana umiiyak ang ating mga anak tuwing nawawala ang connection nila sa bahay lalo na ngayong online learning ang lahat, at hindi rin sana nagpa-panic ang mga naka-work-from-home kapag nawawala ang kanilang internet connection,” ani Herrera.

Ayon sa kongresista, hanggang noong Disyembre 31, 2019 ang nakolektang SUFs mula sa mga mobile network operators ay pumapalo na sa halos P6 billion.

Nabatid na ginagamit sa ngayon ang revenue collections ng National Telecommunications Commission (NTC), kabilang na ang SUFs, para sa libreng wi-fi sa mga pampublikong lugar.

Payo ni Herrera, gamitin na ang P6 Billion na SUFs para pondohan ang pagtatayo ng mga pasilidad na magpapabilis sa internet speed at connectivity. 

Giit ng kongresista, sapat na ito para ayusin ang sitwasyon ng internet sa Pilipinas upang wala nang batang umiiyak sa tuwing mawawalan ng internet habang nagkaklase at walang empleyadong magpapanic sa tuwing nawawala ang internet connection.