Pumanaw na ang tinaguriang hari ng ‘surf guitar’ na si Dick Dale sa edad 81.

Kinumpirma ito ng basista ng banda ni Dick subalit hindi na nagbigay pa ng ibang mga detalye.

Pinasikat nito ang pagiging “king of Surf Guitar” na siyang nanguna sa surf rock sound kung saan sumikat ang bandang Beach Boys and ibang mga banda noong dekada 60.

Lumabas si Dale kasama ang banda niyang Del-tones sa ilang mga TV shows sa America gaya ng “The Ed Sulivan Show”, “Hollywood a Go Go”, “Jimmy Kimmel Live” at maraming iba pa.

Kasama rin itong lumabas sa mga shows at pelikula gaya ng “An American Vampire Story”, “Let’s Make Love” at iba pa.

Naging malaking impluwensiya siya sa mga sikat na gitarista gaya nina Jimi Hendrix at Eddie Van Halen.