-- Advertisements --
shawn eric cray 1

Muli na namang dinomina ng Pinoy athlete na si Eric Cray ang Men’s 400m Hurdles matapos na masungkit ang gold medal sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nakuha ni Cray ang pinakamabilis na 50.41 seconds para sa matagumpay niyang pagdepensa sa kanyang korona.

Dati na rin siyang naka-gold medal tuwing SEA Games mula pa noong taong 2013, 2015, 2017 at 2019.

Ang 33-anyos na Filipino-American track and field athlete ay hawak ang national record sa 400 metres hurdles at 100 metres.