-- Advertisements --

charles

Patuloy ang ginagawang paghahanda ngayon ng Britanya para sa funeral ni Queen Elizabeth II.

Sa parte naman ni King Charles III, naghahanda na rin ito na mag-host para sa mga visiting world leaders na dadalo sa state funeral ng reyna.

Habang ang mga nagdadalamhati ay nakapila sa huling 24 na oras na natitira upang tingnan ang kabaong ni Queen Elizabeth II.

Ang mga unang miyembro ng publiko ay nag-camping na ng maaga upang makita ang engrandeng paalam sa Lunes sa Westminster Abbey, na inaasahang magpapatigil sa London at mapapanood ng bilyun-bilyong manonood sa buong mundo.

Dadalo sa state funeral ang mga leaders ng European Union, France, Japan at iba pang mga bansa.

Ang hindi imbitado ay ang mga bansang Russia, Afghanistan, Myanmar,Syria at North Korea.

Lumipad na si US President Joe Biden nitong Sabado, na isa sa dose-dosenang mga pinuno estado na dadalo sa libing.

Si Prince Charles III ang mangunguna pag host sa mga visiting dignitaries kabilang si US President Joe Biden sa isang reception na gagawin sa Buckingham Palace Linggo ng gabi.

Ilang mga leaders na dadalo sa libing ay sina Jacinda Ardern ng New Zealand, Australia’s pro-republic Anthony Albanese, at Justin Trudeau ng Canada.

Mahigpit na seguridad ang ipinatupad ng mga otoridad ng Great Britain dahil sa mga bisitang nagsipuntahan upang tunghayan ang makasaysayang libing para sa pinakamatagal na naghahari ng monarko.

Ang pagkamatay ni Queen Elizabeth sa edad na 96-anyos noong Setyembre 8, pagkatapos ng pitong dekada sa trono ay nagdulot ng sobrang kalungkutan hindi lang sa Britanya kundi sa buong mundo.