Na-diagnose si King Charles III ng Britain na may cancer at aatras muna mula sa mga pampublikong tungkulin habang siya ay sumasailalim sa gamutan.
Inihayag ng Buckingham Palace na ang 75-taong-gulang na si King Charles ay na-diagnose na may sakit na natukoy sa panahon ng kanyang kamakailang paggamot sa ospital para sa isang benign enlarged prostate.
Ngunit hindi sinabi at hindi pa isinapubliko ng Palasyo kung anong uri ng cancer ang na-diagnose sa Hari.
Pinayuhan ang monarch na ipagpaliban muna ang mga pampublikong tungkulin, ngunit magsasagawa parin siya ng mga state duties.
Gayundin na tutuloy na makipagkita kay Prime Minister Rishi Sunak linggu-linggo.
Inaasahang sasakupin ni Prince William ang ilang pakikipag-ugnayan bilang representative ni King Charles.