-- Advertisements --
Balik na sa kaniyang public duties si King Charles III matapos na mabunyag na ito ay may cancer.
Ang kaniyang unang official engagement ay ang pagbisita sa cancer treatment center sa London kung saan nakasalamuha niya ang mga pasiyente at mga doctors.
Kasama niyang bumisita sa Macmillan Cancer Support ang asawang si Queen Camilla na siyang pangulo ng cancer care.
Magugunitang noong Pebrero ay ibinunyag ng Buckingham Palace na dinapuan ng cancer ang 75-anyos na monarch king.