CAGAYAN DE ORO CITY – Natukoy na ng militar ang kinaroroonan ng umano’y “scalawag soldier” na bumaril sa kanyang mga kasamahan habang nagsasagawa ng clearing operation sa Sitio Banisilan, Barangay Bandaraingud, Pagayawan, Lanao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni 103rd Infantry Battallion (IB), Philippine Army commander Col. Jose Maria Cuerpo sa panayam ng Bombo Radyo.

Sinabi ni Cuerpo na mas pinaigting pa ang kanilang koordinasyon sa pulisya para sa agarang pag-aresto sa tumakas na suspek na si Cpl. Nao Mohammad Lassam upang kanilang malaman ang motibo sa ginawa nitong krimen.

Una nang sinabi ng mga pulis na gumamit na sila ng drone sa paghahanap sa suspek.

Bago ito, dalawa ang patay habang lima ang sugatang sundalo na bahagi ng 55th IB matapos itong barilin ng suspek gamit ang M4 assault rifle.