-- Advertisements --

Pinangunahan ni Kim Kardashian West at ilang mga celebrities ang pagsasagawa ng pagtigil ng paggamit ng social media.

Ito ay bilang protesta sa pagpapakalat ng “hate propaganda and misinformation”.

Ang nasabing hakbang rin ay bahagi ng #StopHateProfit campaign na inorganisa ng mga civil rights activist.

Ayon sa reality star, na hindi na niya masikmura ang mga nagaganap na pagpapakalat ng mga hate propaganda at misinformation.

Mayroong malaking epekto kasi sa November election ang mga misinformation na ibinabahagi sa social media
Magsasagawa ng 24 oras na social media freeze ang mga ito simula sa Huwebes.

Ilan sa mga celebrities na makikibahagi sa social media break ay sina Leonardo DiCaprio, Sacha Baron Cohen, Katty Perry, Ashton Kutcher at Jennifer Lawrence.

Ang organizers ng #StopHateForProfit campaign ay inilunsad noong Hunyo na inakusahan ang Facebook at Instagram na hindi gumagawa ng hakbang para pigilan ang hate speech at pagpapakalat ng disinformation.