-- Advertisements --

Ibinunyag ng tv host/ actress Kris Aquino na mayroon na itong 11 na autoimmune disease.

Sa social media account nito, na noong Mayo ay mayroon lamang siyam subalit ito ay tumubo at nadadagan pa ng dalawa kaya mayroon na ito ngayon ng 11.

Lumala din ang kaniyang rheumatoid arthritis dahil sa lamig na dulot ng bagyong Crising.

Nagpapasalamat na lamang ito ngayon dahil sa gumaling na mula sa stomach flu ang anak nitong si Bimby.

Inilista rin ni Kris ang ilang mga sakit nito na kinabibilangan ng thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, EGPA (Churg-Strauss Syndrome/eosinophilic granulomatosis with polyangiitis), systemic sclerosis/scleroderma, lupus (SLE), fibromyalgia, polymyositis at makakahalong connective tissue disease.

Tiniyak naman nito na patuloy niyang lalabanan ang kaniyang sakit sa ngalan ng kaniyang mga anak.