-- Advertisements --
Ibinunyag ng reality-star na si Kim Kardashian na siya ay na-diagnosed ng aneurysm.
Sinabi nito nalaman niya ng magpakonsulta ito sa doctor at lumabas na mayroon itong maliit na aneurysm.
Ang dahilan umano nito ay dahil sa stress na nararanasan.
Itinuro niyang may sanhi nito mula ng maghain ito ng divorce sa asawang si Kanye West.
Ang aneurysm ay paglaki ng ugat sa utak dahil sa internal bleeding.
Dahil din sa stress sa asawang rapper ay nagkaroon umano rin siya ng psoriasis na isang sakit sa balat.
Mayroong apat na anak ang dalawa na sina North , 12-anyos; Saint, 9; Chicago, 7 at Psalm, 6.













