Lumawak pa ang panawagan na alisin ang American rapper na si Ye bilang headline role ng isang malaking music festival sa London ngayong summer, matapos batikusin ni U.K. Prime Minister Keir Starmer.
Nauna nang umatras ang sikat na soft drink brand bilang pangunahing sponsor ng Wireless Festival na gaganapin sa Finsbury Park mula Hulyo 10 hanggang 12. Hinimok din ang iba pang sponsors tulad na umatras narin.
Nakatakdang magtanghal si Ye sa harap ng tinatayang 150,000 manonood sa loob ng tatlong gabi ng festival.
Ang rapper, na dating kilala bilang Kanye West, ay nagpalit ng pangalan noong 2021 at nasangkot sa iba’t ibang kontrobersiya sa mga nakaraang taon, kabilang nariyan ang mga antisemitic na pahayag at papuri kay Adolf Hitler.
Noong nakaraang taon, naglabas din siya ng kantang pinamagatang “Heil Hitler,” kasunod ng pagbebenta ng T-shirt nito sa kanyang website.
Noong Enero, humingi ng paumanhin ang 48-anyos na artist sa pamamagitan ng isang liham na inilathala sa The Wall Street Journal, kung saan inilahad niyang nakaapekto ang kanyang bipolar disorder sa kanyang naging asal.
Sa kabila nito, tila handa nang magpatawad ang ilang fans, lalo na matapos ang kanyang unang major U.S. concert sa loob ng halos limang taon sa SoFi Stadium.
Gayunpaman, sinabi ni Starmer na nakababahala ang pag-book kay Ye sa naturang festival, at iginiit na dapat labanan ang antisemitism sa anumang anyo nito.
“Antisemitism in any form is abhorrent and must be confronted clearly and firmly wherever it appears,” ani Starmer.












