Nilinaw ni Kim Domingo na wala pa silang balak magpakasal ng basketball player-model boyfriend na si Michael “Mike” Acuña.

-- Advertisement --

Ito’y kasunod ng pag-amin ng 25-year-old actress na nagsasama na sila sa iisang bubong ni Acuña.

Ayon kay Domingo, hangad nila na sa kasalan mauwi ang kanilang tatlong taong pagiging magkasintahan ngunit hindi muna sa pagkakataong ito.

“Wala pa naman sa point na nagpaplano kami na mag-baby na. Ang dami ko pang gustong magawa. And siyempre, di ba, breadwinner din ako ng family, may mga pinag-aaral ako, so hindi pa puwede talaga,” saad nito.

Nabatid na nagsimula si Domingo sa sexy image at roles ngunit kamakailan lang nang magkaroon ito ng “change of heart.”

“Isang taon na din ang nakakaraan nung mapagisip isip ko na I want something new, something na mas magiging masaya ako. Something na mas maipapakita ko kung anong kakayahan ko bilang artista. Ang sarap sa pakiramdam na pati mga bata iniidolo na ako ngayon. Kaya kung magpapa-sexy man ako, hindi na kagaya ng dati.