-- Advertisements --
Pinipilit na makaboto ng ilang beses ang ilang residente ng Kherson sa ipinapatupad na self-styled referendum.
Ayon kay Yuriy Sobolevsky, first deputy chairman of the Kherson regional council na binibisita ng mga Russian forces ang mga bahay ng mga residente at pinipilit silang bumuto.
Sakaling iisa lamang ang tao na makita sa isang bahay ay kanila itong pinagbubuto ng ilang beses.
Nagsagawa naman ng kilos protesta ang ilang residente Mariupol laban sa self-styled referendums para sila ay ibilang sa Russia.
Maraming mga residente ang bumuto sa mga polling stations habang ang iban ay binibisita ng mga electorial commissions sa kanilang bahay na pawang mga residente ng Luhansk, Donetsk, Kherson at Zaporizhzhia.