Patuloy ang sagupaan ng mga kapulisan at mga protesters sa maraming bahagi ng US.
Gumamit na ng stun grenades, pepper sprays ang mga kapulisan matapos na sirain ng mga protesters ang mga bintana ng ilang gusali sa Portland.
Sa Seattle, 21 police ang nasagutan kung saan 45 na protesters ang inaresto.
Isang protesters naman ang nasawi ng magpaputok umano ang isang lalaki nagtangkang sagasaan ang mga nagsasagawa ng Black Lives Matter protests.
Bukod sa Austin, Texas at Seattle, patuloy pa rin ang isinasagawang kilos protesta sa Louiseville, Kentucky, Aurora, Colorad; New York; Omaha, Nebraska, Oakland at Los Angeles sa California at Richmond sa Virgina.
Lalong sumiklab ang mga kilos protesta sa lugar matapos na iniatas ni US President Donald Trump ang paglalagay ng mga federal agents sa nasabing lugar upang maaresto at mapahupa ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.