SOFIA – Nadiskubre ng isang warehouse worker ang nasa 75-kgs ng cocaine na nakatago sa mga saging na ibiniyahe mula Ecuador patungong Burgas port sa Bulgaria.

Ayon kay Burgas regional prosecutor Georgy Chinev, nakalagay ang nasabing mga droga sa bricks na nakabalot sa metal foil at nakakubli sa shipment ng 20,626 kahon ng bananas.

Sinabi naman ni Burgas police chief Kaloyan Kaloyanov, natuklasan daw ng nabanggit na warehouse worker ang 2.5-kgs ng cocaine na kaagad naman nitong itinimbre sa mga otoridad.

Dumating umano ang kargamento sa Burgas noong Hulyo 27 lulan sa isang barko mula Ecuador na nag-stopover din sa Italy.

Sisiyasatin din daw ng mga kinauukulan ang ilang mga warehouses ng naturang fruit company na Varna and Plovdiv sa mga susunod na araw.

Naipadala na rin umano sa Romania ang ilan sa mga saging.

Itinuturing na mahalagang transit points ng cocaine mula Latin America ang Romania at Bulgaria. (AFP)