-- Advertisements --

Pumanaw na si Japanese zoologist at filmmaker Masanori Hata sa edad na 87.

Kinumpirma ito ng kampo niya kung saan atake umano sa puso ang sanhi ng kamatayan niya.

Sumikat siya noong dekada 80 sa pelikulang Adventures of Milo and Otis na tungkol sa pusa at aso.

Sa kaniyang bahay sa Hokkaido ay mayroon siyang alagang brown na oso, kabayo at iba’t-ibang uri ng aso.

Tinawag na “animal kingdom” ang kaniyang lupain dahi sa dami ng mga hayop na makikita doon.