DAVAO CITY – Personal na away ang tinitingnan ng mga imbestigador na motibo sa pagpatay sa isang kilalang negosyante ng Tagum City habang nasa loob ng kanyang puwesto sa Purok Lemon, Pandapan, Tagum City.

Kinilala ang biktima na si Julito Bano Jr, 55, residente ng Purok 2-A, Apokon, Tagum City.

Batay sa imbestigasyon ng mga Tagum Police Station, alas-5:00 ng hapon habang nasa kanyang sand and gravel area ang biktima, isang motorsiklo ang dumating at nagpanggap na isang costumer.

Ngunit nang makakita ng pagkakataon ang suspect, bigla na lamang umanong pinagbabaril ang negosyante.

Kahit duguan na nagawa pa rin umano ng biktima na makatakbo papuntang sapa, pero hinabol ito ng suspect at doon na tinuluyan.

Tinangka pang dalhin sa ospital ang biktima ngunit idineklara na umano ng mga doktor na dead on arrival.

Nakuha mula sa crime scene ang 12 basyo ng bala ng 9mm ppistol.