Pumanaw na ang French-Swiss director Jean-Luc Godard sa edad 91.
Pinangunahan ni French President Emmanuel Macron ang nagbigay pugay sa pumanaw na director.
Itinuturing nito ang director na siyang nagpasimuno ng milagro sa French cinema.
Dagdag pa nito na parang nawalan ng yaman ang France dahil sa pagpanaw ni Godard.
Isinilang noong Disyembre 3, 1930 sa Paris, France mula sa doctor at anak ng Swiss investment bank founder ang ina nito.
Habang nag-aaral ng degree in ethnology sa University of Paris ay nagdoon nagsimula ang paggawa niya ng mga short movie.
Unang pelikula na kaniyang nagawa ay ang ““Opération Béton” (“Operation Concrete”) noong 1954.
Unang feature film nito ay ang “À bout de souffle” (“Breathless”) noong 1960 na sumasang-ayon sa kaniyang estilo na nonchalant improvisational cinematography.