Hindi muna itinuloy ni 2013 Miss International Bea Rose Santiago ang kaniyang kidney-transplant dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi nito na habang ipinagpaliban ang nasabing transplant ay patuloy naman ang kaniyang dialysis treatment sa Toronto, Canada.

Sa kaniyang Instagram account, inalalala niya ang pagkakaroon niya ng autoimmune disease noong ito ay 17 anyos pa lamang.

Payo din nito sa mga followers na huwag pabayaan ang sarili at kumain lagi ng mga masustansyang pagkain gaya ng gulay at mga prutas.

Taong 2018 ng ibunyag sa publiko ni Bea ang pagkakaroon niya ng chronic kidney disease.

Magugunitang noong nakaraang Mother’s Day ay pinasalamatan nito ang ina na pumayag na maging kidney donor at hindi nito maiwasan ang mapaluha sa nasabing insidente.