Nasa kustodiya na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Armed Forces of the Philippines ang isang Kenyan national na konektado sa teroristang grupo.
Ito’y matapos nilang maaresto ang dayuhan na si Cholo Abdu Abdulla sa isang hotel sa Iba, Zambales.
Sa ulat ng PNP-CIDG, alas-3:30 ng hapon kahapon nang maaresto ang Kenyan national na may kasong paglabag sa Republict Act (RA) 10591 at RA 9516.
Nakuha sa suspek ang isang 9mm pistol, magazine, at ammunition, gayundin ang unit ng improvised explosive device, hand grenade at iba pang panggawa ng bomba.
Sa pag-iimbestiga ng PNP, si Abdullah ay affiliated sa Al Qaeda terror group na nagsimulang makipag-alyansa noong 2012 at ngayo’y nag-o-operate sa East Africa.










