MIAMI – Tumipa ng 21 points si Kendrick Nunn at nakapagtala ng 116-113 victory ang Miami Heat kontra Brooklyn Nets.

Nagdagdag ng 19 points si Goran Dragic off the bench at nakapagtala ng 16 points at 12 rebounds si Bam Adebayo para sa Heat, na may magkakasunod nang panalo sa unang pagkakataon magmula noong Pebrero 1 hanggang 3.

Kumamada ng 25 points si Spencer Dinwiddie pero minalas nang pinasa ang bola sa huling segundo ng laro para sa Nets, na may apat nang magkakasunod na talo.

Si Caris LaVert, na kuwestiyonable ang pagbabalik sa laro dahil sa contusion ng kanyang kanang kamay, ay nakapagtala ng 15 points.