-- Advertisements --

CEBU CITY – Nananawagan ang chairman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na panahon na upang talakayin sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.

Ito’y alinsunod sa naging hakbang ng Office of the Solicitor General kung saan nag-file ito ng quo warranto petition laban sa media giant sa Supreme Court.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo sa chairman ng KBP na si Mr. Herman Z. Basbaño, sinabi nito na kailangang simulan ang proseso ng franchise renewal sa network gaya ng ginagawa sa iba pang broadcasting companies.

Malaki ang tiwala ni Basbaño sa mga mambabatas sa 18th congress lalo’t naging madali ang proseso sa renewal franchise application ng mga himpilan ng radyo at telebisyon.

Sinabi rin ni Basbaño ng Bombo Radyo Philippines, na hindi magandang gawing “dominant” ang media kung sakaling na-shutdown na ang isang media entity.

Binigyang-halaga rin ng KBP chairman na “guaranteed” ang pribilehiyo mula sa gobyerno na makapag-operate at makapag-broadcast ang mga media companies alinsunod sa Saligang Batas.

Kagabi ay nanumpa ang mga officers at board of directors ng KBP sa Malacañang kung saan nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa media companies na iulat ang katotohanan.