-- Advertisements --

Nangako si Prime Minister ng Thailand na si Anutin Charnvirakul na magpapatupad ng mas mahigpit na batas sa baril matapos ang pamamaril ng isang 14-anyos na estudyante sa Nonthaburi na ikinasawi ng walo katao at ikinasugat ng dalawampu’t dalawa.

Unang pinatay ng binatilyo ang kanyang mga lolo’t lola bago nagtungo sa Debsirin School kung saan binaril niya ang limang guro at kalaunan ay nagpakamatay.

Ayon sa pulisya, ang baril at bala na ginamit ay pag-aari ng kanyang lolo at legal na nakarehistro. Sinabi ng punong ministro na ang bagong batas ay maglilimita sa pagdadala ng baril sa publiko at tanging mga opisyal ng pamahalaan na nasa tungkulin ang papayagang magdala nito.

Ang insidente ay muling nagbigay-diin sa mataas na bilang ng mga sibilyang may baril sa Thailand, na tinatayang nasa 10.3 milyon, kabilang ang apat na milyong ilegal.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang iba pang detalye sa likod ng karumal-dumal na pamamaril.