NAGA CITY – Naging matagumpay ang KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) Broadcastreeing 2019 ng mga miyembro ng media sa Camarines Sur.

Kasama sa aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Naga, gayundin ang mga estudyante at guro mula sa Concepcion Grande Elementary School, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bong Echalose, chairman ng KBP-Camarines Sur Chapter, sinabi nitong tinatayang 110 katao ang sabay-sabay na nagtanim ng seedlings.

Ayon kay Echalose, magkakaroon ng regular na pagbista ang City Environment & Natural Resources Office-Naga sa nasabing paaralan upang matiyak ang paglaki ng mga punong-kahoy.

Labis naman ang pasasalamat ng principal ng paaralan na si Yvette DS San Juan sa pagkakapili sa kanila bilang venue ng KBP Broadcastreeing 2019.

Ayon kay San Juan, isa ito sa adbokasiya para maipakita ang pangangalaga sa kapaligiran.