CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang kawani ng gobyerno sa pamamaril dakong alas 8:20 Linggo ng gabi sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Michael Macion Laranjo,45 anyos,may asawa,empleyado ng DPWH at residente ng Virgo Subdivision Brgy Rosary Heights 9 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang naglalakad ang biktima sa Purok 7 Virgo Subdivision Brgy RH-9 malapit na sa kanyang tahanan ng bigla itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay sa isang motorsiklo.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.