-- Advertisements --

Karamihan umano sa mga pasyente na dinapuan ng COVID-19 na walang panahon mag-ehersisyo ang siyang nagkakaroon ng malalang sintomas ng virus na maaari nilang ikamatay.

Ayon sa ginawang pag-aaral ng British Journal of Sports Medicine, ang mga tao na hindi ‘physically active’ dalawang taon bago ang pagsisimula ng pandemic ay malaki ang posibilidad na maospital at maaaring masawi.

Malaki pa rin aniya na nagiging dahilan ng mga nasasawi ay ang edad at kapag ang pasyente ay dumaan na sa organ transplant.

Nananatili pa rin ang kawalan ng physical activities kumpara sa paninigarilyo, obesity at pagkakaroon ng hypertension sa may pinakamalaking tiyansa na masasawi kapag dinapuan ng COVID-19.