meghan markle

Marami ang nasabik nang malaman nilang malapit na ulit magpakita sa publiko si Duchess of Sussex Meghan Markle matapos ang kanyang panganganak sa kanilang panganay na si Archie Harrison Mountbatton-Windsor.

Nakatakdang dumalo si Markle sa “Trooping the Colour”, isang tradisyunal na selebrasyon para sa kaarawan ni Queen Elizabeth.

Inaasahan na lahat ng myembro ng royal family ay dadalo sa nasabing selebrasyon ngunit hindi kasama rito si Archie.

Labis ang galak na naramdaman nina Meghan at Prince Harry nang salubungin nila ang pagdating sa mundo ni baby Archie noong nakaraang buwan.