-- Advertisements --
Nagtala ang Singapore ng isang kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Itinuturing na ito ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Southeast Asia.
Ayon sa health ministry ng bansa na isang 42-anyos na Briton na nagtatrabaho bilang flight attendant ang nasabing pasyente.
Nasa mabuting kondisyon na rin aniya ito sa National Center for Infectious Diseases sa nasabing bansa.
Inilagay na rin sa isolation ng 21 araw ang 13 mga close contact ng pasyente.