-- Advertisements --

Inaprubahan na ng US ang kauna-unahang gamot para sa Alzheimer’s disease matapos ang 20 taon.

Ang Aducanumab targets amyloid ay isang protein na bumubuo ng abnormal clumps sa utak ng isang tao na may Alzheimer.

Noong March 2019 ay itinigil ang huling stage ng international trials ng aducanumab na kinabibilangan ng 3,000 pasyente dahil hindi nagpapakita ng anumang improvements sa isang tao.

Sa taon din iyong ay nagsagawa ng karagdagang pag-aaral ang Biogen na ang paglalagay ng mas mataas na dosage ng aducanumab ay nakakapagbagal ng coginitive decline.

Lumabas sa pag-aaral na nasa 30-milyong katao sa buong mundo ang dumaranas ng Alzheimer na karamihan ay yung mga nasa edad 65 kung saan 500,000 dito ay mula sa United Kingdom.

Hindi itinturing na miracle drug ang Aducanumab dahil maraming doctors ang nagdududa sa benepisyo nito at dahi sa pag-apruba ng US ay mas mapapalakas ang dementia research.