Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo na idedeploy sa Sulu ang newly created combat brigade team.

Ito ay isang specialized unit na siyang magiging front ng militar sa pagtugis sa mga terorista at komunistang grupo bukod pa sa mga elite forces ng AFP.

Ayon kay Arevalo, ang combat brigade team ay kakaiba sa regular army brigade dahil ano mang oras ay maaari itong ideploy sa ibang lugar kung kakailanganin ang kanilang puwersa.

May naka-attach na rin itong mga elemento ng armour at capability ng artillery.

“This a newly-created unit at marami siyang naka attached na units gaya ng supply units, finance units na binuo ng Philippine Army,” wika ni Arevalo.

Ang pagbuo ng combat brigade ng Philippine Army ay bahagi ng AFP modernization program lalo na sa pagdaragdag ng mga kapalididad ng mga sundalo.

Hindi pa masabi ni Arevalo kung kailan ang deployment ng bagong buong combat brigade.

“kauna-unahan ito being the first combat brigade team, magiging pilot unit ito, titingnan natin ang kaniyang effectiveness as unit, given this particular competencies and capabilities na naka-attached,” paliwanag pa ni Arevalo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here