-- Advertisements --

Ipinakilalal ng European Space Agency ang kauna-unahang astronaut nila na mayroong kapansanan na magtutungo sa kalawakan.

Ayon sa 22-nation agency na nagpasya sila na italaga si British Paralympic sprinter John McFall.

Makikibahagi si McFall sa feasibility study sa pagsasanay ng mga astronauts.

Isinabay nila ang anunsiyo matapos ang pagtalaga ng bagong set ng mga astronauts.

Aabot sa 22,500 ang nag-apply para sa nasabing pagiging astronaut.

Mayroon ding 257 aplikante na may kapansanan ang nag-apply para sa pagiging astronaut.

Paglilinaw nila na may mga pagdaranan pang pagsasanay si McFall bago ito papayagang sumakay sa rocket ng ESA.