-- Advertisements --

Napili ni Prince Charles ang singer na si Katty Perry bilang ambassador for the British Asian Trust charity.

Isinagawa ang anunsiyo sa annual dinner ng charity sa London.

https://www.instagram.com/p/B8MJc0xn7yH/

Nagkakilala ang dalawa noong nakaraang taon sa Mumbai at itinuro sa singer kung paano ang trabaho sa British Asian trust.

Ang nasabing kumpanya ay itinaguyod ni Prince Charles na nakatutok sa kahirapan sa South Asia.

Umaasa ito na matututukan ng singer ang mga nangyayaring child trafficking at pang-aabuso sa India.

Labis naman ang pasalamat ni Perry dahil matapos na ito ay mapili at sinabing may mahalagang bahagi sa kaniyang puso ang India.

Si Perry ay isa ring goodwill ambassador ng United Nations ng UNICEF.

Bukod sa singer ay naging ambassador din sa British Asian Trust ang musician na si Naugthy Boy at broadcaster na si Nihal Arthanayake.