-- Advertisements --

Naibalik na ang katahimikan sa palibot ng Evin prison sa northern Tehran, Iran matapos ang naganap na sunog na ikinasawi ng apat na inmates at ikinasugat ng maraming iba pa.

Ayon kay Tehran Governor Mohsen Mansouri na agad na pinalayas ng mga kapulisan nila ang mga nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng prison facility matapos ang pagsabog.

Bago kasi ang pagsabog ay nakarinig umano ang mga protesters ng ilang putok ng baril at pagsabog.

Sa nasabing pasilidad kasi ay inilalagay ang mga political prisoners at mga protesters na kanilang inaresto.

Nanawagan naman si Amnesty International Secretary General Agnes Callamard sa mga otoridad ng Iran na dapat ay irespeto at proteketahan ang buhay ng mga preso kasunod ng nangyaring sunod.

Itinuturing kasi na ang pasilidad ay notorious matapos ang pagbunyag ng journalist na si Jason Rezalian na nakulong doon ng 544 araw.

Magugunitang sumiklab ang magkabilaang kilos protesta sa Iran mula ng masawi ang 22-year-old na si Mahsa Amini ng ito ay nasa kustodiya ng mga kapulisan.