-- Advertisements --

Napalaya na ang komedyanteng si Bill Cosby matapos na ibasura ng korte sa US ang kaso nitong sexual assault.

Sa inilabas na 79-pahina na desisyon ng Pennsylvania Supreme Court na wala silang nakitang anumang matibay na ebidensiya ukol sa reklamo sa 83-anyos na komediyante.

Taong 2018 ng mahatulang guilty dahil sa sexual assault sa biktimang si Andrea Constand na nangyari noong 2004 sa Philadelphia.

Nabuo na nito ang mahigit na dalawang taon sa kaniyang 3-10 year sentence ng aggravated indescent assault.

Mahigit 60 na kababaihan ang nagreklamo laban sa komedyante at tanging ang Constand assault lamang ang dininig ng korte dahil karamihan sa mga reklamo ay nagtapos na ang statue of limitations nito.

Noong nakaraang taon ay naghain ito ng ikalawang apila sa korte.

Depensa ng mga abogado nito na hindi na dapat dinggin ng korte ang ilang dekada ng kaso laban sa komedyante.

Matapos na mailabas ang desisyon ng korte ay pinalaya na ito.