-- Advertisements --
DOJ

Inihain na ang kasong murder laban sa 30 police officers at personnel na umano’y sangkot sa Bloody Sunday killings noong March 2021.

Ito ang kinumpirma ni Justice Undersecretary Brigido Dulay sa House Appropriations Committee sa budget hearing sa inquiry ni ACT Teachers party-list Representative France Castro.

Ang tinaguriang “bloody sunday killings” ay ang insidente kung saan isinilbi ang search warrant sa operasyon ng kapulisan sa Batangas na nagresulta sa pagkamatay ng ilang mga aktibista.

Ayon kay Dulay, nagpapatuloy ang preliminary investigation at nangako ng commitment na magsusumite ng status ng mga kaso sa komite.

Una nang naghain ng murder complaints ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 17 police personnel.