-- Advertisements --

Nai-raffle na ang kasong droga laban kay Juanito Jose Remulla III, panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ang kaso ay na-raffle kay Las Pinas Regional Trial Court Branch 197 Acting Presiding Judge Ricardo Moldez II.

Kung maalala, nahuli si Remulla dahil sa high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa isinagawang controlled delivery ng inter-agency task force sa Las PiƱas City noong Oktubre 11.

Sinampahan siya ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Walang inirekomendang piyansa ang mga prosecutor para kay Remulla dahil sa malaking halaga ng drogang nasamsam.

Nauna nang sinabi ng justice secretary na hindi siya makikialam o impluwensyahan ang kaso at tinanggihan niya ang mga panawagan para sa kanyang pagbibitiw sa pwesto.