Nagbabala na rin ang Department of Justice (DoJ) sa mga local government units (LGUs) na tatangging tanggapin ang mga papauwing mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na nakatapos na ng kanilang mandatory quarantine period.
Una rito, mahigpit ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang tanggapin ng mga LGUs ang mahigit 24,000 na mga OFWs na pauwi na sa probinsiya.
Ayon kay Justice Sec. Guevarra mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga opisyal na hindi susunod sa direktiba ng pamahalaan dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
“The president has already iven instructions to all LGUs to accept the returning 24,000 OFWs to their hometowns. If LGU officials continue to defy this directive, they may be held administratively and criminally liable for violations of the bayanihan act. I have already given instructions to the national prosecution service to give priority to the investigation of any and all cases related to the implementation of the bayanihan act and the various measures taken by the government pursuant thereto,” ani Guevarra.
Nagbigay na rin si Guevarra ng direktiba sa national prosecution service na bigyang prayoridad ang imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa bayanihan act at iba pang kautusan na may kaugnayan dito.
Una rito, nasa 83 na opisyal na ng pamahalaan ang nasampahan ng kaso dahil pa rin sa maanomalyang distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.