Naniniwala ang ilang mga tagamasid na maaring mauwi sa settlement ang kasong inihain ng isang professional photographer laban kay NBA superstar na si LeBron James ng Lakers.
Una rito kinasuhan ng $150,000 na damages si James sa US District Court sa southern District ng New York.
Ang isyu ay may kinalaman sa nai-post sa social media ni James na larawan kung saan nag-dunk siya laban sa Miami Heat.
Inirereklamo ni Steve Mitchell si LeBron dahil daw sa unauthorized reproduction na paglabag daw sa copyright infringement o walang paalam sa picture na nai-post noong buwan ng Disyembre sa Facebook at Instagram.
Si LeBron na may 62 million Instagram followers ay wala pang sagot sa naturang kaso.
Para naman sa ilang observers ipinagtanggol si LeBron dahil hindi naman niya ito pinagkakitaan.