ILOILO CITY – Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Western Visayas.
Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa general community quarantine (GCQ) ng buong rehiyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Maria Sofia Pulmones, pinuno ng Local Health Support Division ng Department of Health-Region 6, sinabi nito na 104 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Western Visayas kung saan dalawa ang dumagdag.
Ayon sa kanya, ang dumagdag ay sina WV #103, 34, lalaki mula sa Alimodian, Iloilo, ngunit naka-quarantine sa Navotas City; crew ng fishing vessel at may history of exposure sa WV #102 mula sa Hinigaran, Negros Occidental na nagpositibo sa COVID-19; at crew din ng nasabing fishing vessel.
Samantala, ang WV #104 ay isang 37, mula sa Arevalo, Iloilo City at naka-facility quarantine.