Magpapatupad ng compressed workweek ang Department of Human Settlements and Urban Development mula Abril 13 hanggang 17, 2026, bilang tugon sa umiiral na energy crisis sa bansa.
Ayon sa anunsyo ng ahensya sa kanilang opisyal na social media page, ang hakbang ay alinsunod sa Memorandum Circular 114 na nag-aapruba sa four-day onsite work arrangement sa ilang tanggapan ng gobyerno.
Sa ilalim ng bagong iskedyul, bukas ang central at regional offices ng DHSUD mula ala-7 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi sa Abril 13 hanggang 16.
Mula Abril 17, Biyernes, skeletal workforce lamang ang naka-duty sa ahenya sa oras na alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
Pinapayuhan ng ahensya ang mga kliyente at stakeholder na i-schedule nang maayos ang kanilang pagbisita at transaksyon sa mga itinakdang oras ng operasyon.















