Nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 450 na kaso ng tigdas at rubella ang naitala mula Enero 1 hanggang Setyembre 17, 2022, na mas mataas ng 153% kaysa sa naitala noong nakaraang taon.
Base sa DOH’s national measles at rubella data as of September 17, nakapag-record sila ng 178 cases mula January 1 hanggang September 17, 2021.
Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng tigdas at rubella ngayong taon o 16% ay naiulat sa Calabarzon sa 70.
Sinundan ito ng Central Visayas na may 61 kaso (14%), at National Capital Region (NCR) na may 47 kaso (10%).
Mula Agosto 21 hanggang Setyembre 17, 2022 lamang, 68 na kaso ng tigdas at rubella ang naiulat na karamihan ay mula sa Calabarzon na may 16 na kaso o 24%.
Sinundan ito ng Eastern Visayas na may 12 kaso (18%), at Central Visayas, Northern Mindanao, at NCR na may tig-pitong kaso (10%).
Sinabi ng DOH na ang Calabarzon, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Soccsksargen ay nagpakita ng pagtaas ng kaso ng tigdas at rubella sa nakalipas na apat na linggo ng morbidity o noong Agosto 21 hanggang Setyembre 17.
Dalawang indibidwal din ang naiulat na namatay noong Agosto at Setyembre dahil sa tigdas at rubella.
Nagdulot ito ng 0.4% case fatality rate.