-- Advertisements --
Nakakita rin ng pagbaba sa mga fire incidents ang Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay ng pagsalubong ng bansa sa taong 2021.
Ayon kay BFP spokesperson Supt. Annalee Carbajal-Atienza, simula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga kanina ay mas mababa ng 144 fire incidents ang kanilang naitala sa parehing araw noong nakaraang taon.
Ngayong taon daw ay nakapagtala lamang sila ng 29 na kaso ng mga nasunugan.
Malaki aniya ang binaba ng fire incidents sa pagpasok ng 2021.
Samantala, bumaba naman ng 85% ang naitalang firework-related injuries ng Department of Health (DOH) ngayong taon.