-- Advertisements --

Nagsasagawa ngayon ng surveillance ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa tatlong barangay sa Rodriguez, Rizal kasunod ng pagkamatay ng mga baboy doon.

Kasunod ito ng anunsiyo ni BAI Officer-In-Charge Director Ronnie Domingo na na-contain na ang kaso ng pagkamatay ng mga baboy sa San Isidro, San Jose at Macabud sa Rizal.

Ayon kay Domingo, ang team ng BAI na nagsasagawa ng surveillance ay naatasan para mag-interview ng mga farmers at alamin ang sitwasyon ng mga baboy sa naturang mga lugar.

Ito raw ang batayan ng ilalabas nilang report.

Samantala, sa ngayon wala pang resulta ang sample ng mga namatay na baboy na kanilang ipinadala sa ibang bansa para masuri.