-- Advertisements --

Inaasahang tataas pa ang kaso ng leptospirosis sa mga susunod na linggo sa gitna ng nararanasang pagbaha dala ng mga pag-ulan.

Kaugnay nito, muling umapela si Health Secretary Ted Herbosa sa publiko na iwasang lumusong sa tubig baha. Pinayuhan din ng kalihim ang publiko na huwag lumangoy sa baha dahil ito ay madumi at hindi ito swimming pool. Dapat din aniyang pagbawalan ang mga bata na maglaro sa baha.

Ipinaliwanag naman ni Sec. Herbosa na hindi nakakahawa ang isang taong kinapitan ng leptospirosis pero nakukuha ang sakit dahil nakukuha ang sakit sa bacteria mula tubig baha na may ihi o dumi ng daga. Hindi lang din aniya sa baha nakukuha ang sakit kundi maging sa putik.

Kayat ayon sa kalihim ang pag-inom ng prescriptive antibiotic para sa leptospirosis gaya ng Doxycycline na siang paraan para mapigilan ang sakit.

Pero ang pinaka-epektibong preventive measures ay ang iwasang lumusong sa baha at pagpapanatiling malinis ang kapaligiran.

Kayat hinihimok ng DOH ang publiko na maging maingat sa pagiimbak ng tubig para maiwasan ang dengue gayundin ng electrical wires lalo na ang live wires para maiwasang makuryente.