-- Advertisements --

Bumaba na ang naitalang mga kaso ng dengue sa Pilipinas.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) noong Pebrero 23, nakapagtala ng 5,267 kaso ng dengue mula Enero 28 hanggang Pebrero 10, mas mababa ito mula sa 7,434 kaso na naitala noong Enero 14 hanggang Enero 27 ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ng DOH na maari pa ring mabago ang naturang bilang dahil sa posibleng pagkaantala ng mga consultation at reporting ng mga dinapuan ng sakit.

Samantala, iniulat din ng DOH na ang mga kaso sa Region 10 at Caraga ay nagpakita ng pagtaas mula Enero 14-27 kung saan mayroong 1,384 cases na naitala mula sa 715 cases noong Enero 1 hanggang 13.

Sa kasamaang palad, mayroong 67 dinapuan ng dengue ang nasawi mula Enero 1 hanggang Pebrero 10.

Kaugnay nito, hinihimok ng DOH ang lahat na palakasin ang pagsasagawa ng 5S strategy laban sa dengue gaya ng Search o paghahanap at pagsira sa pinamumugaran ng mga lamok, gumamit ng Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging kung kinakailangan at Start and sustain hydration.