-- Advertisements --
image 124

Nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng dengue sa bansa ang Department of Health (DOH) sa unang bahagi ng taong 2023.

Sa datos ng kagawaran, tumaas sa 94% ang bilang dengue cases sa bansa ngayong taon kung ikukumpara sa una nang naitala noong taong 2022.

Mula kasi noong Enero 1 hanggang Marso 18, 2023, aabot sa kabuuang 27,670 ang bilang ng mga dengue cases na naitala ng DOH.

Mas mataas ito kumpara sa 14,278 na bilang ng mga kaso ng nasabing sakit na napaulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nanguna ang National Capital Region sa mayroong pinakamaraming naitalang kaso ng dengue, na sinundan naman ng Central Luzon, at Davao Region.

Samantala, kaugnay nito ay pumalo na rin sa 92 ang kabuuang bilang ng mga nasawi nang dahil sa dengue sa first quarter ng 2023.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na sundin ang 4S kontra dengue strategy o ang:
– Search and destroy mosquito-breeding sites
– Secure self-protection measures
– Seek early consultation
– Support fogging and spraying